Wednesday, September 5, 2012

I decided I'm going to let you go.


Alam mo pag lumayo na ‘ko sa’yo panigurado marami akong mamimiss. ‘Yung nakakainsulto mong tawa, ‘yung mga mata mo na halos mawala na sa tuwing ngumingiti ka. ‘Yung pag akbay mo sa’ken, pati na rin ang pag akbay sabay yakap na halos hindi na ‘ko makahinga para lang makahalik ka sa pisngi ko. Mamimiss ko kapag ipinagluluto mo ‘ko tuwing pumupunta ako sa inyo pati ang pagfifrisbee sa dating mong eskwelahan tuwing Linggo. ‘Yung pagyakap mo sa’kin sa pagtulog pati kung paano mo hawakan ang kamay ko. ‘Yung pag ganti mo sa mga suntok at palo ko at kapag umaray ako ay agad kang magsosorry. Maaalala rin pala kita sa tuwing iinom ako ng Dutchmill or kahit anong yogurt drink dahil ‘yun ang lagi nating iniinom kahit hindi trip ng iba. Pag nakakita ako ng lalakeng may suot ng kagaya nung sombrero na lagi mong sinusuot baka habulin ko siya para tanggalin ito sa ulo niya dahil ikaw lang dapat ang may suot ng ganun at kapag nakakita siguro ako ng naka Janoski ay baka tapak tapakan ko pa iyon sa kabitteran. Pero higit sa lahat ang pinakamamimiss ko ay ang pagsorpresa mo sa’kin. ‘Yung feeling na ang alam ko hindi tayo magkakasama sa araw na ‘to tapos bigla ka na lang susulpot  tapos ang saya ko na. Kahit hindi ko sa’yo inaamin at kahit hindi mo nararamdaman, naaappreciate ko ‘yun nang sobra sobra. Parang sa’yo ko naramdaman ‘yung effort na hindi ko naramdaman sa iba. Salamat dahil do’n ha.

Pinipili ko na lang na hindi isipin ang mga kapintasan mo dahil nung nakasama naman kita naging masaya ako. Madami kung tutuosin pero hindi rin naman ako perpekto at huwarang babae at tinanggap mo rin naman ako kahit lagi kang nasasktan at nasusugatan, nasisigawan at nababato ng kung anu ano kapag magkasama tayo. Ganyan ka kakulit at ganito ako ka brutal. Ay, pareho pala tayong brutal. Kailangan ko lang talagang lumayo kasi unfair naman sa girlfriend mo at unfair din naman sa’kin na magkahati kami sa’yo kahit hindi niya alam ‘yon.  Marami pa namang iba diyan, makakahanap pa naman siguro ako ng mag-eeffort  katulad mo pero wala akong kahati. Wala naman akong mahahanap na hihigit sa’yo kase yan ka na e. ‘Yan mismong pagkatao mo , ‘yan ‘yung nagustuhan ko sa’yo . Kaya ‘yang mga sana, wala ‘yan! Kahit anong sabi ko niyan, hindi importante. Alam mo kung ano ang importante? Ikaw. Mahal na nga siguro kita kaya kailangan ko nang itigil ‘to. Wala namang tayo, never naman nagkaro’n ng tayo. Mahal mo ako, mahal mo siya, mahal ka niya. Nauna nga lang siya. Aalis na lang ako sa equation para hindi ka na mahirapan kase sa pag-ibig first come, first served. Walang dapat na nakikisalo.

No comments: